2024 World Weightlifting Championships, gaganapin sa Bahrain

2024 World Weightlifting Championships, gaganapin sa Bahrain

GAGANAPIN sa bansang Bahrain ang 2024 International Weightlifting Federation (IWF) World Championships.

Ito’y matapos manalo ang Bahrain kontra sa ibang candidates tulad ng Armenia at Albania.

Samantala, inanunsiyo ng IWF na naka-iskedyul sa Nobyembre o Disyembre sa Manama City, ang magiging weightlifting event.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Bahrain Weightlifting Federation President Eshaq Ebrahim Eshaq dahil sa suporta at pagtitiwala ng IWF sa kanilang bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter