2025 budget, palalakasin ang paghahatid ng tulong sa mga apektado ng kalamidad

2025 budget, palalakasin ang paghahatid ng tulong sa mga apektado ng kalamidad

Habang nalalapit na ang pagtatapos ng 2024 ay magkakasunod naman na sinalanta ng bagyo ang bansa.

Ito ay nagdala ng matinding pag-ulan at pagbaha kung saan tinatayang halos kalahating milyung Pilipino ang lumisan sa kani-kanilang mga tirahan.

Dahil dito ay tiniyak ni Senadora Grace Poe na sa pagpasa ng proposed 2025 National Budget ay palalakasin nito ang disaster risponse o pagbibigay tulong sa mga komidad na apektado ng bagyo.

Ayon kay Poe, Chairperson ng Committee on Budget sa Senado na sa P6.352 trilyong panukalang badyet para sa 2025, P21 bilyon dito ay nakalaan para sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund.

Ang halagang ito ay P500 milyong mas mataas kumpara sa pondo ngayong taon.

Ayon kay Poe Ang dagdag na pondo ay para sa mga agarang pangangailangan ng ating mga kababayan sa panahon ng kalamidad.

“The increase is for our people’s urgent and essential needs during calamities. If communities have the resources, they can make timely responses that can save lives,” ayon kay Sen. Grace Poe.

Para kayi Poe, hindi lamang dapat nakatutok ang calamity fund sa agarang tulong, kundi pati na rin sa mga pangangailangan sa pag-aayos at rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Mahalaga rin aniya ang mga operasyon bago ang kalamidad, tulad ng mga maagang paglikas, upang maiwasan ang mas malalang epekto ng mga sakuna.

“Matindi itong hagupit sa ilan nating kababayan ng sunod-sunod na bagyo. Inaayos nating mabuti ang budget para masiguro na sa panahon ng pangangailangan, mayroon tayong pinaghuhugutan ng tulong,” saad ni Poe.

Sinabi rin ng senador na suportado niya ang pagdagdag ng ponso sa quick response fund ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na siyang nangunguna sa pagtugon sa bawat kalamidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble