2025 World Expo sa Osaka, posibleng umangat ng 30% ang ticket price

2025 World Expo sa Osaka, posibleng umangat ng 30% ang ticket price

POSIBLENG umangat ang presyo ng ticket sa 2025 World Exposition sa Osaka, Japan sa 30% mula 6 – 8 libong yen dahil sa inflation.

Ikinukunsidera ng Japan Association for 2025 World Exposition ang pag-aangat ng adult ticket price para i-cover ang operational cost ng event kabilang na ang security na inasahang aangat sa higit 80 bilyong yen.

Plinano ng asosasyon noong nakaraang taon na mag-charge ng 6 na libong yen sa mga admission bawat indibidwal.

Ang desisyon naman para sa admission price ay isasapinal sa pagpupulong sa Hunyo kasama ng pagsang-ayon ng gobyerno.

Nakatakdang ibenta ang mga ticket mula Nobyembre 30, limandaang araw bago magbukas ang expo sa Abril 13.

Inaasahan namang 153 bansa ang makikilahok sa world expo na ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter