NAMAHAGI ng 1.2 milyong piso na halaga na tulong sa 21 dating miyembro ng communist terrorist group (CTG) ang gobyerno sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) program nitong Lunes, Marso 20.
Pinangunahan nina Governor Yvonne Cagas at DILG Provincial Director Mika Chan-Magtulis ang pamamahagi ng tulong sa mga dating miyembro ng rebeldeng kilusan na isinagawa sa Davao del Sur Coliseum sa Mati, Digos City.
Ayon sa ulat ng 39th Infantry Battalion, 2 sa mga benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-P15,000 na immediate assistance habang ang ang 19 naman ay nabigyan ng tig-P65,000 na halaga ng livelihood assistance.
Una nang dumaan sa 3 buwang pagsasanay, karagdagang orientation, at iba’t ibang kapamaraanan at programs na makatutulong sa kanilang pagbabalik sa komunidad at kaniya-kaniyang pamilya ang mga sumuko nating kababayan bago pa man sila nabigyan ng benepisyo.
Ang E-CLIP program ay isa sa mga nakapaloob sa E.O.70 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inisyatibo nito, katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, o mas kilala bilang whole of nation approach na solusyon sa insurhensiya at patuloy na sinusuportahan ng kasalukuyang administrasyong Marcos.
Layunin ng E-CLIP program ang makapagbigay-tulong sa pagbabagong buhay ng mga kababayan nating nalinlang ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF na walang ibang pakay kundi gibain ang gobyerno.