21 lugar sa Tokyo, idinekalarang may mataas na antas ng perflouroalkyl at polyflouroalkyl substance

21 lugar sa Tokyo, idinekalarang may mataas na antas ng perflouroalkyl at polyflouroalkyl substance

SA isinagawang survey ng Tokyo metropolitan governement sa Japan, napag-alaman na umabot na sa 21 lugar ng Tokyo ang may mataas na antas ng Perflouroalkyl at Polyflouroalkyl Substance (PFAS) na nagbabanta sa kalusugan ng tao.

Taong 2021, nang simulan ng Tokyo metropolitan government ang pagsasagawa ng mga survey upang suriin ang mga antas ng PFAS sa tubig sa ilalim ng lupa sa loob ng nasasakupan nito.

Kabilang sa mga bagong natukoy na mga lugar sa Tokyo na may PFAS ay ang Adachi ward, Taito ward, Hachioji city at Kodaira city. Subalit ang lokasyon sa Tachikawa city ang inanunsyong may pinakamataas na antas ng PFAS.

Ayon naman sa resulta ng 2022 nationwide water quality survey na inilabas ng ministry of the environment of Japan, sa 1,258 na anyong tubig sa 38 perfecture, 111 na lokasyon ang natuklasang lumagpas sa mga karaniwang limitasyon para sa PFAS.

Matatandaan na bago matapos ang taong 2023, ilan sa mga residente sa Settsu ay nagkaroon ng abnormal na resulta sa pagsusuri ng kanilang dugo kung saan ito ay nagpapahiwatig ng seryosong problema tungkol sa mga magiging epekto ng PFAS sa kalusugan ng tao dahil sa water contamination.

Karamihan sa mga kontaminadong lugar ay malapit sa mga base militar ng Amerika sa Japan. Kaya naman, lalong ikinabahala ngayon ng mga lokal na residente ng Japan ang lumalalang sitwasyon sa polusyon sa tubig ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble