22 anyos na lalaki, arestado ng PDEA sa  nagbebenta ng P3.4-M halaga ng shabu

22 anyos na lalaki, arestado ng PDEA sa  nagbebenta ng P3.4-M halaga ng shabu

ARESTADO ang isang 22-anyos na lalaki at nakuhanan ng P3.4-M halaga ng methampetamine hydrochloride (shabu) kasunod ng entrapment operation sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Blvd noong Martes ng gabi, Abril 9,2024.

Batay sa inisyal report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pampanga Provincial Office at ng PDEA-NCR-SDO kay Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang suspek na si Jomarie Alamil Rabang, 22, residente ng BF Homes, Parañaque City.

Narekober mula kay Rabang ang limang piraso ng knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng mahigit o kulang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4-M, isang cellphone unit, isang unit na motorsiklo, at ang marked money na ginamit ng poseur buyer.

Ayon sa PDEA, si Rabang ay sangkot sa malawakan na bultuhang pamamahagi ng shabu sa Metro Manila.

Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA Pampanga Provincial Office at ng PDEA-NCR-SDO.

Kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs), Article II ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa naarestong suspek.

Ngayon, nasa jail facility na ng PDEA- Pampanga ng Region 3.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble