KANSELADO ang 22 domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Huwebes bunsod ng Bagyong Egay.
Sa abiso na inilabas ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division Office, kanselado ang anim na biyahe ng PAL Express sa pagitan ng Manila–Laoag.
Dalawa naman ang apektadong flights ng Cebu Pacific pati na rin ang biyaheng mula Manila patungong Masbate ng Cebgo o vice versa ay kanselado rin.
Labing dalawa naman ang kanseladong flights ng AirSwift na may biyaheng balikan mula Manila patungong El Nido at Romblon.
Patuloy na naka-monitor ang MIAA sa patuloy na pagdagdag ng mga maapektuhang flight sa NAIA bunsod ng Bagyong Egay.