22 domestic flights sa NAIA, kanselado dahil sa nararanasang sama ng panahon

22 domestic flights sa NAIA, kanselado dahil sa nararanasang sama ng panahon

KANSELADO ang nasa 22 domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa nararanasang sama ng panahon ngayong araw ng Martes, Agosto 29, 2023.

Sa abiso ng MIAA Media Affairs Division Office, kanselado ang anim na flights ng PAL Express mula Manila patungong Basco, Antique at Busuanga o vice versa.

May apat naman ang nakanselang biyahe ng Cebu Pacific sa pagitan ng Manila at Tuguegarao.

Habang apektado rin ang balikang biyahe ng CebGO mula Manila patungong Masbate at Busuanga.

Apat din ang nakanselang biyahe ng Sunlight air at dalawa naman sa Air Swift.

Inaasahan na mas madadagdagan pa ang maapektuhang flights sa NAIA dahil sa Bagyong Goring.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble