22 health workers ng Makati Med, naka-home quarantine na

NAKA-home quarantine na rin ang 22 nurses ng Makati Medical Center (MMC) matapos ma-expose ang mga ito sa mga nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Dr. Saturnino Javier, Medical Director nang nasabing ospital, ang ibang sa mga health worker na sumailalim sa quarantine ay bumalik na sa trabaho matapos payagan na ng management kahit hindi pa natapos ang 14-day quarantine.

Image may contain: text

Ani Javier, papayagan ng management na makabalik na sa trabaho kahit 5 hanggang 7 araw pa lamang ang quarantine ng mga ito kapag mababa lang ang exposure nito sa nasabing virus.

Dagdag pa ni Javier, di na nila papaabutin pa ng 14 na araw ang quarantine sapagkat mauubusan sila ng mga health worker.

Samantala, sinabi naman ni Javier na nasa 6 hanggang 8 medical staff ang inaasahang na-expose sa COVID-19 matapos magpositibo si Sen. Koko Pimentel na nagtungo sa ospital para samanahan ang kanyang may-bahay na nakatakdang manganak.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.