NASA 22-K na Philippine National Police (PNP) personnel ang nakatakdang ipakakalat ng PNP sa malaking bahagi ng bansa.
Kasunod ito sa nakatakdang pagtama ng Super Typhoon Mawar.
Bukod sa mga tauhan, nakahanda rin ang mga land, sea, at air based equipments para sa search and rescue operations lalo na sa tatamaan ng nasabing sama ng panahon.
Pakiusap ng PNP sa publiko na agad na ipagbigay-alam sa kanila ang kinakailangang tulong upang agad na malapatan ng tulong sa gitna ng pagtama ng bagyo.
Pinaaalahanan din ang mga tauhan ng PNP na unahing ingatan ang kanilang sarili upang hindi maging dahilan ng pagkaantala ng mga serbisyo at tulong na kailangan ng mga residente.