22 suspected election-related incidents, naitala ng pulisya

22 suspected election-related incidents, naitala ng pulisya

NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng 22 suspected election-related incidents.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame.

Ayon kay Fajardo, dalawa sa mga naitalang insidente ay kumpirmadong may kaugnayan sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Naitala ang mga ito sa Bicol at Bangsamoro Autonomous Region.

Habang 11 ang non-election related at ang iba ay patuloy na isinasailalim sa berepikasyon ng mga awtoridad.

Samantala, isinasailalim ng PNP sa threat assessment ang mga opisyal ng barangay na humingi ng tulong dahil sa banta sa kanilang buhay.

Follow SMNI NEWS on Twitter