220 na mga Pinoy na nakakulong sa UAE, pinalaya na

220 na mga Pinoy na nakakulong sa UAE, pinalaya na

PINALAYA na sa United Arab Emirates (UAE) ang nasa 220 na mga Pinoy na nakulong sa ibat ibang pagkakasala.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang pagpapalaya ay iginawad kasabay ng pagdiriwang ng UAE ng ika-53 National Day noong December 2.

Sa ngayon ay pinoproseso na ng DFA at Philippine Embassy sa Abu Dhabi ang pagpapauwi ng mga nabanggit na Pinoy.

Noong June 2024, nasa 143 na OFW na rin na nakakulong sa UAE ang napalaya kasabay ng pagdiriwang nila ng Eid Al-Adha.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble