23-K na mga Pilipinong nagtatrabaho sa POGO, tututukan –Sen. Gatchalian

23-K na mga Pilipinong nagtatrabaho sa POGO, tututukan –Sen. Gatchalian

MAGKAKAROON ng trabaho ang aabot sa 23-K na mga Pilipinong nawalan at mawawalan ng pagkakakitaan bunsod sa panawagang pagpapa-ban ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, ang chairman ng Senate Committee on Ways and Means, madalas sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa POGO ay I.T. experts kung kaya’t maaari lang ang mga ito na lumipat sa BPO (Business Process Outsourcing).

Matatandaang ipinanawagan na ang pag-phase out ng POGO industry sa bansa dahil walang napapala rito ang bansa kundi mga krimen.

Samantala, tinatayang aabot sa P100-B ang mawawala ng bansa kung ipapa-phase out ang POGO ayon sa real estate services firm na Leechiu Property Consultants.

Bilang tugon dito ay sinabi ni Department of Finance Usec. Bayani Agabin na mapupunan ang kawalan na ito kung mapapa-invest ang mga industriya na may mataas na professional employment rate maging ang mataas na technical requirements at value.

Follow SMNI NEWS in Twitter