23 nasawi, 15 nawawala dahil sa Habagat, Bagyong Ferdie, Gener, Helen—NDRRMC

23 nasawi, 15 nawawala dahil sa Habagat, Bagyong Ferdie, Gener, Helen—NDRRMC

PUMALO na sa 23 katao ang naiulat na nasawi at 15 ang nawawala dahil sa pinagsamang epekto ng Habagat at mga Bagyong Ferdie, Gener, at Helen.

Batay ito sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) alas-8 ng umaga ngayong Huwebes.

9 na pagkasawi ang naiulat mula sa MIMAROPA, 4 sa Western Visayas, 4 sa Zamboanga Peninsula, 4 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at 2 sa Central Visayas.

Samantala, 12 sa mga nawawala ay galing sa MIMAROPA, 2 sa Zamboanga Peninsula, at 1 sa Western Visayas.

Nakapagtala naman ng 13 indibidwal na nasaktan dahil sa epekto ng Habagat at mga bagyo.

Inihayag ng NDRRMC na ang mga iniulat na biktima ay patuloy pang bina-validate.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble