NAKATANGGAP ng tulong ang nasa 236 katao sa lalawigan ng Agusan del Norte mula sa tanggapan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Sa mensahe ni Sen. Dela Rosa, hinikayat niya na gamitin ng wasto ang natanggap nilang tulong na tig-P2K.
“Inyong natanggap na tulong, gamitin ninyo ito sa magandang pamamaraan para sa ikaayos ng inyong mga sarili at sa inyong pamilya. Huwag ninyo itong gamitin para sugal o ipusta sa sugal, gamitin ninyo sa maayos na pamamaraan, pambili ninyo ng bigas, pambili ng pagkain, pambili ng medisina kahit na ano, basta pangangailangan ng inyong pamilya. Maraming salamat purihin ang Panginoon at ingat kayong lahat,” ayon kay Sen. Dela Rosa.
Sa eksklusibong panayam ng SMNI News SMNI News, kinilala sa Int’l Golden Awards Philippines 2023kay Agusan del Norte Board Member Dick Victor Carmona, sinabi nito na bilang National Vice President ng Provincial Board Members League of the Philippines, responsibilidad aniya ang mag-organisa ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program upang makatanggap ng tulong ang mga indibidwal na lubhang nangangailangan pagdating sa usaping pinansiyal.
Binigyang-diin ni Carmona na ang mga benepisyaryo ay mga magsasaka, mangingisda, habal-habal driver, at security guard, mga estudyante na dapat na tulongan dahil napapabilang ang mga ito sa mababa ang kita at walang sapat na pagkakakitaan para sa araw-araw na pamumuhay.
Kaugnay rito, umaasa naman si Carmona na marami pang mga AICS activity ang magaganap sa Agusan del Norte para matulongan ang mga indibidwal na hindi nakasali sa batch na ito.
“Yes more coming no, more AICS to come, assistance lalo na almost 1,000 pa lang tayo na binigyan natin ng tulong another 1,000 coming to evaluate, ang validate through the Office of Senator Bong Revilla and Agimat Party-list and Office of the President. So, more marami tayong assistance talaga not only in Agusan del Norte we have also in Surigao, Surigao del Sur, Dinagat Islands, and other part of the Mindanao,” ayon kay Hon. Dick Victor Carmona.
Taos-puso silang nagpapasalamat kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa tulong na kanilang natanggap.
“Malaki ang aking pasasalamat sa tulong na ibinigay mo Senator Bato dela Rosa, maraming salamat. Malaking tulong ito lalo na ngayong panahon na ito na kaming mga senior citizen ay nangangailangan talaga ng medical assistance. God bless Senator Bato dela Rosa and thank you very much,” ayon kay Nilo Comiling, Senior citizen, Beneficiary.
“Sir maraming salamat sa AICS assistance, pasalamat ako kay Senator “Bato” dela Rosa, Senator Bong Go, malaking tulong talaga ito sa akin para sa aking pag-apply patungong (South) Korea para sa pagproseso ng aking mga dokumento. Ako ay isang security guard lamang, malaking tulong ito muli Senator Bong Go, Senator Bato dela Rosa, maraming salamat,” ayon kay Rey Labor- Security Guard-Beneficiary.