MAGTATAPOS na ang 24/7 libreng sakay sa EDSA Bus Carousel sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3 sa Disyembre 31, 2022.
Ito ang paalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon sa LTFRB, simula alas-5 ng umaga sa Enero 1, 2023 ay may bayad na ang pamasahe mula PITX hanggang Monumento at vice versa.
Sa huling tala ng LTFRB noong Disyembre 27, 2022, pumalo sa 80,832,186 mga pasahero ang naserbisyuhan ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.
Habang 87 operators at 751 public utility buses (PUBs) ang naging kalahok ng nasabing programa.
Para sa LTFRB, malaking karangalan sa ahensya ang mabigyang pagkakataon na magsilbi sa mga kababayan sa pamamagitan ng libreng sakay.