24-hour patrols sa Masungi Georeserve, ipinag-utos ng PNP chief

24-hour patrols sa Masungi Georeserve, ipinag-utos ng PNP chief

PINAIGTING ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang presensya sa Masungi Georeserve sa Tanay, Rizal.

Ito ay matapos ang pag-ukupa ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng protected area.

Ngayong araw, personal na ininspeksyon ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. kasama si Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. ang lugar kung saan ipinag-utos niya ang pagsasagawa ng 24-hour patrols.

Ayon kay Azurin, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Local Government Unit upang maiwasan ang karahasan.

Nagpapatuloy rin aniya ang imbestigasyon para matukoy ang mga posibleng paglabag ng grupong responsable sa umano’y deployment ng mga armadong lalaki at ang umano’y harassment at assault sa caretakers ng Masungi Georeserve.

Iginiit naman ni Abalos na hindi basta-basta maaaring magpadala ng mga security personnel sa lugar ang mga partido sa land dispute dahil kailangan muna nilang kumuha ng permit mula sa PNP.

Follow SMNI NEWS in Twitter