UMABOT na ng 24 na mga Pilipino ang napa-deport mula sa Estados Unidos ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez.
Ang mga ito aniya ay sangkot sa ilang maliit na paglabag.
Kaugnay na rin ito sa deportation na ipinahayag ng Trump administration kung saan sinabi ni Romualdez na prayoridad dito ang mga indibidwal na mayroong kriminal na record o kaya’y mga immigrant, ‘undocumented’ o ‘overstaying’.
Apela na nga ng Philippine Ambassador sa mga Pilipino doon, boluntaryo na lang umuwi sa Pilipinas kung kulang ang mga dokumento nito at huwag nang antayin pa ang mapa-deport.