HINDI si US President Donald Trump ang sanhi ng pagpapa-deport ng 24 Pinoy sa Estados Unidos.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa ilalim ng termino ni dating US President Joe Biden ang mga ito pina-deport.
Sinabi naman ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na sangkot ang tinutukoy na 24 Pinoy sa ilang kriminal na aktibidad.
Kaugnay rito, binigyang-diin ng DFA na walang dapat ikabahala ang mga Pinoy na nasa Estados Unidos dahil ang mga pinapa-deport lang ay mga sangkot sa ilang mga krimen at mga undocumented.