Nasa 24 volcanic earthquakes ang namonitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Kanlaon sa Negros Islands hanggang nitong Disyembre 19, 2024.
Batay pa sa naturang update, walang patid ang pagsingaw ng bulkan na umabot ng 100 metrong taas.
Nasa 4.6K (4636) tonelada naman ang asupreng ibinubuga nito.
Samantala, ang Bulkang Mayon sa Albay ay nagkaroon din ng isang volcanic earthquake at isang rockfall event.
Nasa 1058 tonelada ang asupreng ibinubuga nito.