240-K residente sa Eastern China, pinalikas dahil sa malakas na mga pag-ulan

240-K residente sa Eastern China, pinalikas dahil sa malakas na mga pag-ulan

NASA 240-K katao ang pinalikas sa Anhui Province, Eastern China matapos ang malakas na mga pag-ulan doon.

Ito’y para mailigtas ang mga residente lalo na’t umaapaw na ang Yangtze River at iba pang kalapit na mga ilog.

Sa katunayan, hanggang nitong Miyerkules, July 03, nasa 991-K na mga residente na sa Anhui ang apektado at kasama na dito ang mga pinalikas.

Kung matatandaan, noong Hunyo ay halos 40 na ang nasawi sa Southern Guangdong Province dahil parin sa malakas na mga pag-ulan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble