24,100 na bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH mula Hulyo 25-31, 2022

24,100 na bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH mula Hulyo 25-31, 2022

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 24,100 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas simula Hulyo 25-31, 2022.

Base sa weekly case bulletin ng DOH, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 3,443, mas mataas ng 24 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Hulyo 18-24.

Sa mga bagong kaso, 76 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 44 na pumanaw at wala sa mga ito ang naganap noong Hulyo 18-31.

Noong Hulyo 31, 2022, mayroong 744 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

Sa 2,583 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 601 o 23.3% ang okupado habang 29.5% ng 22,051 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ginagamit.