245 bagong graduate na sundalo sa Sulu, umanib sa 11ID

245 bagong graduate na sundalo sa Sulu, umanib sa 11ID

NAKIISA sa hanay ng 11th Infantry “Alakdan” Division ang 245 na bagong graduate na mga sundalo sa closing ceremony ng Infantry Orientation Course (INFOC) “Masandigan” Class 05-202 sa 11th Division “Mastal” Training School sa Camp Bud Datu, Barangay Tagbak, Indanan, Sulu.

Ito ay pinangunahan ni Congressman Samier A. Tan.

Sa talumpati ni Cong. Tan, sinabi nito na ang pagbibigay ng mga armas sa mga bagong graduate ay sumisimbolo ng isang responsibilidad at mandato para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa at sa probinsya ng Sulu.

Dagdag pa ni Tan na nararapat lamang na magtulungan ang bawat isa para sa iisang layunin na mabigyan ng mapayapang pamumuhay ang bawat residente ng Sulu.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram

Follow SMNI NEWS in Tiktok

Follow SMNI NEWS in Twitter