NANANATILING ‘red zone’ ang 25 bayan sa Ilocos Region dahil sa African Swine Fever (ASF).
Sa datos ng Department of Agriculture-Ilocos Regional Office, 15 dito ay mula sa Ilocos Sur; walo sa La Union; at dalawa sa Ilocos Norte.
Mula Hulyo hanggang Setyembre ngayong taon, nasa 2,470 na rin ang pinatay na baboy sa La Union; 900 sa Ilocos Sur; at 80 sa Ilocos Norte.
Sa hog raisers, mahigit 300 (353) ang apektado mula La Union; 111 sa Ilocos Sur; at 19 sa Ilocos Norte.