NASA Pilipinas na lahat ang 25 Pinoy crew members na kasama sa sea vessel na natamaan ng Russian missile noong nakaraang buwan.
Ang walong Pinoy crew members ay dumating noong Disyembre 9, 2023 ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Dumating ang unang tatlong Pinoy crew noong Nobyembre 25 habang Disyembre 2 naman ang karagdagang 14.
Magugunitang Nobyembre 8 nang tumama ang Russian missile sa isang Liberia-flagged civilian vessel na papasok sa Black Sea Port sa Odesa Region, Ukraine.
Sinabi ni Ukraine Infrastructure Minister Oleksandr Kubrakov, nakatakda sanang magdala ng iron ore ang natamaan ng civilian vessel papuntang China.
Naging sanhi ito ng pagkakasugat ng apat na Pinoy seafarers at pagkasawi ng Ukrainian pilot on board.