250 distressed OFWs mula Kuwait at 31 OFWs galing Afghanistan, nakauwi na sa bansa

250 distressed OFWs mula Kuwait at 31 OFWs galing Afghanistan, nakauwi na sa bansa

NAKAUWI na sa bansa ang 250 distressed Overseas Filipino Workers (OFW) at 31 OFWs na galing Afghanistan, kagabi mula Kuwait.

Sakay ng Qatar Airways Flight QR 932, ang mga naturang OFW na lumapag sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang nag-ayos para sa chartered Flight ng Qatar Airways para makauwi din ang iba pang mga OFW na nangangailangan na rin makauwi ng Pilipinas.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III karamihan sa mga distressed OFWs na umuwi ay may mga problema sa mga dokumento ng kanilang pagtatrabaho sa Kuwait .

Ang iba sa kanila ay tapos na ang kontrata o biktima ng ibat-ibang employment contract na may paglabag sa batas doon.

Aniya sa bilang na nabanggit 80 sa mga ito ay galing sa Migrant Workers and other Overseas Filipinos Resource Center (MWOFRC).

Habang ang 170 na kabilang sa dumating ay mga domestic at Company workers.

Kabilang si Roche Hamero ang napabilang sa tinulungan ng pamahalaan na makauwi sa bansa.

‘’Nagpa rescue, nagpahatid ako sa amo ko kasi tinawagan siya ng taga embassy dahil hindi niya ako e released tapos na ang kontrata ko. Tapos nagkasakit ako, ayoko nang magtrabaho. Tapos sabi ng amo ko na hindi daw niya ako e released kaya tinawagan siya ng embassy. Kaya kinuha ako ng agency namin na nag connect sa akin sa embassy,’’ayon kay Hamero.

Samantala, kahapon balik Pinas na rin ang 31 na mga distressed OFWs galing Afghanistan.

Ang mga pinoy workers na nakauwi mula Kabul na lumipat sa Islamabad, Pakistan ay kabilang sa mga pasahero ng special Flight mula Doha, Qatar.

Sa huling tala ayon sa DFA nasa 188 na sa mga kababayan natin mula Afghanistan ang nakalikas na sa pamamagitan ng ibat-ibang foreign governments gaya ng Amerika ,United Kingdom at Indonesia  na tumulong para mapabilang ang mga OFW na agad makalikas sa Afghanistan.

May 23 pa na naiwan sa Afghanistan habang ang 7 sa kanila ang humihiling sa pamahalaan na makalikas at makabalik na sa bansa.

SMNI NEWS