27 dating CTG members, nagbalik-loob sa pamahalaan

27 dating CTG members, nagbalik-loob sa pamahalaan

NASA 27 na dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang kusang sumuko sa mga awtoridad.

Batay sa datos ng Western Visayas, mula sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre halos sunud-sunod na ang pagbabalik-loob ng mga miyembro ng NPA sa Visayas Region.

Pinakamataas na bilang ng surrenderees ang  Capiz Police Provincial Office, sinundan ng Iloilo Police Provincial Office, Negros Occidental Police Provincial Office, Antique Police Provincial Office at isa naman sa Criminal Investigation and Detection Unit 6.

Kasabay ng kanilang pagsuko ay ibinalik din ng mga dating rebelde ang mga armas na kanilang ginagamit sa kanilang mga operasyon gaya ng homemade rifle shotguns, two (2) unit fragmentation grenades, upper receiver of 7.62 bolt action at .38 pistol.

Karamihan sa mga sumuko ay nanggaling sa mga teroristang grupo gaya ng Kilusang Rehiyong Panay KR-P, Tumandok Organization, Negros Cebu-Bohol-Siquijor (SWF, KR NCBS), Gabriela-Aklan at Igabon Platoon.

Follow SMNI NEWS in Twitter