27 sakay ng distressed motorbanca, nailigtas ng PCG sa Surigao del Norte

NARESCUE ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Del Carmen ang 27 sakay ng isang motorbanca na nakaranas ng aberya sa karagatang sakop ng Bucas Grande Island, Surigao del Norte kahapon, Pebrero 18.

Ayon sa PCG, galing ng Port of Surigao City ang motorbanca at patungo sana ng Port of Del Carmen.

Habang naglalayag, sinabi ng coast guard na nabangga ang motorbanca sa malalaking punong kahoy na naglulutangan sa tubig na naging dahilan ng pagkabutas ng kanilang secondary hull.

Ibinalik naman ng kapitan ang motorbanca at pansamantalang humimpil sa bahagi ng Sta. Cruz, Surigao del Norte habang naghihintay ng rescue assistance.

Pawang ligtas naman ang 19 pasahero at walong crew ng motorbanca at dinala na sa Port of Del Carmen.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.