NAGSIMULA na ang 27th Siargao International Surfing Cup kung saan nitong Oktubre 26 ay mahigit 100 surfers ang nagsitungo sa isla bitbit ang kanilang surfboards.
Sa katunayan, makikitang kalahok sa nabanggit na International Surfing Cup sina Anon Matsuoka at Sara Wakita ng Japan at ang Pinoy surfers na sina Marama Tokong at Philmar Alipayo.
Nagsimula ang surfing competition noong Oktubre 25 at magtatapos ito sa Nobyembre 1.
Unang isinagawa ang Siargao International Surfing Cup noong 1994 sa pakikipagtulungan ng local government unit (LGU) at World Surf League (WSL).