28 LGUs, lumagda sa kasunduan para sa proyektong Pambansang Pabahay ni PBBM

28 LGUs, lumagda sa kasunduan para sa proyektong Pambansang Pabahay ni PBBM

UMABOT na sa 28 lokal na pamahalaan ang lumagda ng kasunduan sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Ito para sa layuning makibahagi sa Pambansang Pabahay Program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanilang mga lugar.

Ilan sa mga lokal na pamahalaan na lumagda sa kasunduan ang Bohol Province, Mandaue City, Tagbilaran City, Panglaw Bohol, 6 na Munisipalidad sa Oriental at Occidental Mindoro.

Kamakailan lang din ay nagsagawa ng ground breaking sa 11 syudad kabilang na ang Quezon at Marikina sa Metro Manila.

Matatandaan na sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program, layon ng DHSUD na maabot ang mahigit sa 6.5 milyong units na backlog sa pabahay.

Ipinanukala rin ng DHSUD ang 36 bilyong pisong annual interest support para tiyakin na abot-kaya ang mga housing unit sa ilalim ng programa.

 

Follow SMNI News on Twitter