28K gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng 39M piso, nasabat sa Maynila

28K gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng 39M piso, nasabat sa Maynila

NAGSASAGAWA na ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad sa mga taong sangkot sa nasabat na ilegal na droga sa Manila International Container Port (MICP), Tondo, Manila.

Tumambad rito ang 30 kahon mula sa 419 na kargamento na positibong naglalaman ng Marijuana (Kush).

Tumitimbang ang mga ilegal na droga humigit kumulang 28 gramo na nakasilid sa balikbayan boxes na nagkakahalaga ng mahigit 39 milyong piso.

Ang nasabing mga kahon ay mula sa Vancouver, Canada at kasalukuyan nang iniimbestigahan ang shipper, receiver at forwarding companies para sa pagsasampa ng kaukulang reklamo sa paglabag sa RA 9165.

Babala pa ng PDEA sa sinumang masasangkot sa pag-import ng mga ilegal na droga sa bansa ay maaaring mapatawan ng habambuhay na pagkakakulong at multa mula 500K hanggang 10 milyong piso.

Follow SMNI NEWS on Twitter