NAG-withdraw na bilang electoral board members ang 29 na guro sa lalawigan ng Abra na magsisilbi sanang electoral board members para ngayong Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Pero nilinaw ni Commission on Elections (COMELEC) chairman George Garcia, hindi pinag-withdraw o tinakot ang naturang mga guro kundi kamag-anak nila ang ilang kandidato.
Dahil dito, ide-deploy ng Philippine National Police ang 90 tauhan nito para palitan ang naturang mga guro na magsisilbi sa halalan sa Abra.
Una rito, nasa mahigit 200 kandidato rin ang nagback-out ngayong BSKE sa buong lalawigan.
Sa kabila nito, sinabi ng COMELEC na hindi isasailalim sa control ang lalawigan.