PASOK sa Time Magazine at sa 500 Best Companies in Asia-Pacific ng Statista ngayong taon ang 29 na mga Pinoy firm.
Sa 29 Pinoy firms, nangunguna ang Ayala Corporation na nasa rank no. 46.
Nasa rank no. 85 naman ang San Miguel Corporation; no. 88 ang Security Bank Corporation; no. 109 ang SM Investments Corporation; at no. 112 ang BDO Unibank.
Ang rankings na ito ay naka-batay sa paglago ng kita ng mga kumpanya, at mga isinagawang employee satisfaction survey.
Maging ang nakalap na mga datos tungkol sa environmental, social at corporate governance ng mga kumpanya.