2k reservists target na mabuo ng Tarlac LGU

2k reservists target na mabuo ng Tarlac LGU

TARGET ng local government unit (LGU) ng Tarlac ang 2,000 reservists.

Kasabay ng Reserved Command Philippine Army Anniversary, matagumpay na naisakatuparan ang Disaster Risk Response Operation Challenge sa buong bansa sa loob ng 2 araw.

Maliban sa pagsasanay, layunin umano nitong alamin kung gaano kahanda ang mga reservists sa pagresponde at pagsagip sa panahon ng kalamidad at lubos na nangangailangan.

Dahil dito, plano ni Tarlac Gov. Susan Yap at kasalukuyang battalion commander ng Ready Reserved Infantry Battalion sa Tarlac na magsagawa ng Special Basic Citizen Military Training (BCMT) na popondohan ng LGU.

Target nito na makabuo ng 2 libong reservist na lubos na makatutulong sa pagresponde sa mga sakuna’t kalamidad ayon kay acting Group Commander, 3RCDG, PA Col Reynaldo Malapad.

 Aniya, makikitaan umano ng lubos na pagmamahal sa bayan ang mga reservist na pangunahing nagliligtas sa panahon ng kagipitan.

Dagdag pa nito, patuloy ang isinasagawang pagsasanay ng Reserved Command Philippine Army bilang parte ng kanilang misyon para sa bayan.

Sa kabilang banda, interesado ang mga paaralan sa pagsisimula ng Reserve Officer Training Corps (ROTC) kung saan mas maraming bilang ng mga kabataan ang nag-enroll dito matapos isagawa ang ROTC advocacy.

Dahil dito, hinahanda na ng mga ito ang mga commandant at training staff o directorate ng ROTC para sa pagpapatupad ng nasabing programa.

Samantala, bukas anila  ang kanilang tanggapan sa mga nais sumali sa ROTC at maging kabahagi ng Reserved Command Philippine Army para sa disaster response, rescue and relief operation.

Follow SMNI NEWS in Twitter