2nd batch ng OFW mula Lebanon, dumating na

2nd batch ng OFW mula Lebanon, dumating na

SAKAY ng Emirates Airlines Flight EK 336 mula Lebanon, ang anim na Pinoy repatriates na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bago mag-alas sais ng umaga.

Pinangunahan ni Department of Migrant Workers officer in-charge Usec. Hans Leo Cacdac, Kabayan Party-list Cong. Ron Salo at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio ang pagdating sa bansa ng mga naturang Pinoy repatriates.

Ayon kay Usec. Cacdac, una nang dumating ang unang batch na binubuo ng apat na OFW noong Sabado.

Sa kabuuan nasa 10 na ang mga Pinoy na nakauwi na sa bansa galing Lebanon.

Samantala, isa si Clarita ang nakauwi sa araw ng Biyernes mula Lebanon.

Aniya takot ang pangunahing dahilan kung bakit nais na niya umuwi ng bansa dahil sa lumalalang tensiyon Hindi na rin siya babalik ng Lebanon lalo na’t 23 years na siyang nagtatrabaho doon.

Ayon kay Usec. Cacdac meron pang 33 ang pinoproseso na uuwi mula Lebanon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter