LAHAT ng senador maliban kay Senator Pia Cayetano ay present sa pagbubukas ng 2nd regular session ng Senado para sa 19th Congress.
Eksaktong 10:00 ng umaga nang buksan ng Senado ang sesyon.
Pero giit ni Senate President Miguel Zubiri, kahit nag-break ang Senado ay hindi naman tumigil ang trabaho ng mga senador.
Sa kaniyang speech, inilatag ni Zubiri ang mga priortiy bills na target maipasa bago matapos ang 2023.
Kasama na dito ang wage hike, pagpasa ng panukala para sa Center for Disease Control, Virology Institute of the PH, Medical Reserve Corp.
Ganun din ang para sa pagpapatibay ng batas para sa anti-agri smuggling, ease of paying taxes bill, magna carte for sea farers, at iba pa.
Isa-isa ring binanggit ni Zubiri ang achievements ng kaniyang mga kapwa senador sa kani-kanilang komite.
Si Sen. Robin Padilla, gusto pa ring isulong ang Charter change kahit bigo itong nakakuha ng suporta sa mga senador noong unang regular session.
Mamayang 3:00 ng hapon ay magkaroon ng joint session ang Kamara at Senado bago ang SONA speech ni Pangulong Marcos.
Ilang senador, umaasa na makakarinig ng pro-poor programs mula sa SONA ng Pangulo
Sila Senators Sonny Angara at Christopher ‘Bong’ Go, umaasa na makakarinig ng mga pro-poor programs.
Sen. Dela Rosa, umaasa na mababanggit na ni PBBM ang programa para sa peace and order
Si Sen. Ronald dela Rosa, umaasa na mababanggit na ng Pangulo ang programa nito pagdating sa peace and order na hindi nito nabanggit sa kaniyang unang SONA.