2nd wave ng pamamahagi ng Nutripack sa Valenzuela City, sinimulan na

2nd wave ng pamamahagi ng Nutripack sa Valenzuela City, sinimulan na

SINIMULAN na ang second wave ng distribution o pamamahagi ng NutriPack para sa lahat ng enrolled public daycare students sa Valenzuela City.

 

Sa kabuuan ay nasa 10,600 ang enrolled day care student sa Valenzuela City sa nakaraang school year at nakatakdang makakuha ng Nutripack sa araw na ito.

 

Mayroong 1, 176 mga beneficiary ang pinakamalaking barangay ng Valenzuela City ang Brgy. Gen T. De Leon na makatatanggap ng Nutripack.

 

Sa kabila na para sa mga bata o sa mga daycare student ang NutriPack, ay hindi sila ang maaaring kumuha nito.

 

Ang magulang o guardian ang kukuha ng foodpacks para sa kanilang mga anak para maiiwas ang mga bata sa sakit.

 

Pinapayuhan naman ang mga nanay o guardian ng mga bata na tingnang mabuti ang kanilang mga vouchers bago pumunta sa lahat ng claiming centers o 3S Centers ng Valenzuela City ngayong araw.

 

May iskedyul ang pagpunta sa claming centers para maipatupad ang social distancing sa pagkuha.

 

Ang isang nanay o guardian ng bata ay pupunta sa redeeming center sa nakalagay na oras at redemption site sa kanilang mga vouchers.

 

Ang bawat Nutripack ay naglalaman ng mga nutritious item para manatiling healthy ang bata sa panahon ngayon na may pandemya.

 

Sa pamimigay ng ayuda, ang mga social workers ay nakasuot ng protective gear para iwas COVID sa pamamahagi.

 

Nagpapasalamat naman ang mga magulang na nakatanggap na ng ayuda.

 

Maliban naman sa Nutripack para sa mga bata ay mamimigay rin ng LGU foodpacks para sa mga lolo at lola ng lungsod bukas ng Hulyo 3 hanggang Hulyo 5.

 

MARGOT GONZALES

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.