3.17-km Panguil Bay Bridge sa Mindanao, bukas na!

3.17-km Panguil Bay Bridge sa Mindanao, bukas na!

BUKAS na sa publiko ang pinakamahabang tulay sa Mindanao.

Isinagawa ang inagurasyon ng 3.17-kilometrong Panguil Bay Bridge noong Biyernes, Setyembre 27.

Sinimulang itayo ang naturang tulay noong Pebrero 2020 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nagkakahalaga ito ng P8.0260B at pinondohan sa pamamagitan ng loan agreement sa pagitan ng Pilipinas at Korean export-import bank o Korea Eximbank.

Ang Panguil Bay Bridge ay nagdudugtong sa Misamis Occidental at Lanao del Norte sa pamamagitan ng Tangub City at bayan ng Tubud.

Sa pamamagitan nito, mula sa dalawang oras ay magiging pitong minuto na lang ang pagtawid sa dalawang probinsiya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble