P3.4-M shabu, nakumpiska sa Danao City, Cebu

P3.4-M shabu, nakumpiska sa Danao City, Cebu

ARESTADO ang isang drug suspect matapos ang kampanya kontra iligal na droga sa Danao City, Northern Cebu.

Ito ay sa pangunguna ng Danao City Police Station at Cebu Police Provincial Office sa Barangay Poblacion.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick Alba, kinilala ang nahuli na si Danah Dequina, 54 taong gulang.

Nakuha sa kanya ang 500.9 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 3,406,120 piso.

Mahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, pinuri ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos ang kanilang mga tauhan sa pinaigting na operasyon kontra iligal na droga.

Follow SMNI NEWS in Twitter