3.8 bilyong piso, nai-remit ng PAGCOR sa Bureau of Treasury noong Mayo

3.8 bilyong piso, nai-remit ng PAGCOR sa Bureau of Treasury noong Mayo

NAKAPAG-remit ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ng 3.8 bilyong piso sa Bureau of Treasury noong buwan ng Mayo.

Batay sa datos ng kagawaran, mas mataas ito ng 26 percent mula sa 2.6 bilyong piso na naitala noong Mayo ng nakaraang taon.

Inaasahan naman na mag-remit ang PAGCOR ng 29.87 bilyong piso ngayong taon sa treasury.

Matatandaan na ayon sa batas, kailangang ilaan ng PAGCOR ang limampung porsyeno ng kanilang kita sa national government.

Ang PAGCOR ang ikatlo sa pinakamalaking revenue-generating agency ng pamahalaan kasunod ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble