BINUKSAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at local government ng Makati ang tatlong Adopt-A-Park project sites sa lungsod kahapon, Pebrero 21.
Ang tatlong parke ay ang EDSA-Buendia Park, EDSA-Pinagkaisahan Park at Magallanes Interchange Phase A-Mini Park.
Ayon sa MMDA, ang mga parke ay dinisenyo ng Department of Environmental Services ng Makati City.
Pinangunahan naman ang inagurasyon at official turnover ng parke nina MMDA acting Chairman Atty. Don Artes, MMDA Deputy Chairman Undersecretary Frisco San Juan Jr. at Makati City Administrator Atty. Claro Certeza.
Sinabi ni Artes na ang pagpapabuti sa mga parke ay nagsisilbing avenue para sa social interactions at family gatherings ng mga residente ng Makati.