KINUMPIRMA ng PNP ang 3 aktibong private armed groups na kanilang binabantayan sa gitna ng paghahanda sa paparating na midterm elections.
Batay sa pinakahuling monitoring ng PNP sa huling bahagi ng taong 2024, nananatilin aktibo ang banta ng private armed groups mula sa Region 3, isa sa Region 7 at isa sa Mindanao.
Sa kabilang banda, mayroon pang limang potential private armed groups ang nasa listahan ng PNP sa mga area ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Ang nasabing mga grupo ay kasalukuyan na ring binabantayan na hindi magamit ng mga politiko para makapandaya, mang abuso sa mga botante ngayong panahon ng halalan.