NASAWI ang 3 anak na lalaki ng Hamas Political Chief na si Ismail Haniyeh sa pamamagitan ng isang airstrike sa Central Gaza.
Ayon ito sa Israel Defense Forces (IDF) na kinumpirma rin mismo ni Haniyeh.
Nangyari ang airstrike nitong Miyerkules, Abril 10, 2024.
Sa pahayag ni Haniyeh, hindi magiging solusyon sa nagpapatuloy na digmaan ang pagpatay ng mga anak ng mga leader ng Hamas.