NAGPATUPAD ng 3 araw na ‘snap lockdown’ ang kapital na syudad ng estado ng Queensland.
Nagpatupad ng 3 araw na lockdown ang mga awtoridad ng Australia sa hilagang syudad ng Brisbane kasabay ng pagpuksa nito sa bagong outbreak ng UK variant ng COVID-19 sa lugar.
Dahil dito, aabot sa 2M na katao sa ikatlong pinakamalakaing syudad ang kinakailangang manatili sa mga tahanan mula alas singko ng hapon.
Ayon kay Queensland Premier Annastacia Palaszczuk, kahit na malapit na ang holy week ay kinakailangan nitong isaalang-alang ang seguridad ng publiko.
Ayon sa state officials, nadagdagan ng 4 na panibagong kaso ang naunang 3 kaso ng UK variant na pinagmulan ng bagong outbreak sa estado ng Queensland.
Matatandaang nakatulong ang mga mabilisang lockdown, social distancing at mabilis na contact tracing system sa Australia para mapigilan ang paglobo ng kaso ng COVID-19.
Sa kabuuan ay aabot lamang sa dalawampu’t siyam dalawandaang kaso ang naitala sa bansa at siyamnaraan at siyam na pagkamatay lamang ang naiulat mula nang magkaroon ng pandemya.
(BASAHIN: Australia at Singapore, posibleng magsagawa ng travel bubble)