POSIBLENG tututukan sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang 3 bagay na importante sa bansa.
‘’Ekonomiya, kalusugan at seguridad’’
Ayon ito kay Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa kanyang programa sa SMNI News.
Kabilang aniya sa pang-ekonomiya na posibleng mabababanggit ay ang food security, kabuhayan ng mamamayan maging ang kasalukuyang estado ng bansa sa isyu ng enerhiya.
Aasahan din aniyang tatalakayin ng Pangulo ang kasalukuyang sitwasyon ng kalusugan sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.
Samantala, inaasahan naman ni Mang Jess Arranza na tatalakayin ni PBBM ang pagsugpo sa agriculture smuggling na nakasisira sa ekonomiya ng bansa.