NAGLALARO lang ang 3 bata sa isang abandonado at sirang bahay nang bigla na lang bumagsak ang pader at madaganang ang mga ito.
Naganap ang insidente kamakalawa ng hapon sa Doña Salud sa Brgy. Sasa, Davao City.
Nadala pa ang mga biktima na kinilalang sina John Paul Dahan Pastera, 10 taong gulang, Marcus Romagos Pagal, 7 taong gulang at Paula Rhiane Suan, 10 taong gulang na pawang mga residente ng lugar.
Agad na itinakbo sa Southern Philippines Medical Center ang 3 paslit ngunit isa sa mga ito ay idineklarang dead on arrival habang ang isa ay nasawi rin kagabihan at kasalukuyang nagpapagaling ang batang nakaligtas sa nasabing ospital.
Sa imbestigasyon ng Sasa Police, posibleng ang malakas na hangin sa lugar ang dahilan ng pagkatumba ng puno na tumama sa bumagsak na pader.