3 bayan sa Maguindanao del Sur isinailalim sa state of calamity

3 bayan sa Maguindanao del Sur isinailalim sa state of calamity

ISINAILALIM na sa state of calamity ang tatlong bayan sa Maguindanao del Sur dahil sa matinding pagbaha na nakaaaapekto sa halos 300K katao.

Ayon sa Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence, ang mga bayan ng Mamasapano, Ampatuan at Datu Piang ang pinakamatinding naaapektuhan ng pagbaha habang patuloy pa rin ang baha sa maraming barangay sa mga lugar na ito.

Sa report naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), lahat ng 16 na barangay ng Datu Piang ay binaha rin dulot ng malalakas na pag-ulan dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at low pressure area simula pa noong Mayo 14.

Hindi rin nakaligtas ang bayan ng Datu Piang na napuno ng tubig dahil sa pag-apaw ng Rio Grande de Mindanao doon.

Ilang bayan din sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte ang apektado rin kabilang na ang Sultan sa Barongis, Datu Abdullah Sangki, Talayan, Datu Salibo, Guindulungan, Datu Saudi Ampatuan, Datu Odin Sinsuat at Talitay sa Maguindanao del Norte.

Apektado rin ang Lamitan City sa Basilan.

Tinatayang nasa halos 2K ektarya ng taniman ang nasira doon.

Sa ngayon, nasa 135 barangay ang lubog sa baha habang mahigit 6K katao ang nananatili sa mga evacuation center.

Patuloy naman ang pamamahagi ng tulong ng Ministry of Social Services and Development kabilang na rito ang pagkain, malinis na tubig, gamot, banig at hygiene kits.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble