3 big-time drug suspect arestado, P4.7M halaga ng shabu nakumpiska

INARESTO ng mga awtoridad ang pinaghihinalaang tatlong big-time drug suspect at nakuha ang PHP4.7 milyon na halaga ng iligal na droga sa isinagawang  intelligence-driven  anti-drug operation sa Tawi-Tawi, batay sa ulat ng opisyal ng militar nitong Huwebes.

Kinilala ni Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., kumander ng  Western Mindanao Command (Westmincom) ang mga suspek na sina Hassan Anggie Hawaan, 30; Mannan Nusuri Muhadi, 48; at Mudzna Anggie Hawaan, 42, na parehong mga residente ng Barangay Simangal, Sitangkai, Tawi-Tawi.

big-time drug suspect
3 big-time drug suspect arestado, P4.7M shabu ang nakuha ng mga awtoridad

Ayon kay Vintulan, naaresto ang tatlong big-time drug suspect dahil sa isinagawang joint buy-bust operation nitong Huwebes sa Barangay Pag-Asa in Bongao, ang capital town ng Tawi-Tawi.

Nakuha mula sa pag-aari ng mga suspek ang 14 na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na higit sa  P4.7 milyon at iba pang mga ebidensya.

Nagsanib pwersa naman ang grupo ng Marine Battalion Landing Team-12 (MBLT-12), intelligence units, and the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang operasyon.

Ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya na ng Bongao Municipal Police Station at kakasuhan ng kasong pag labag sa Republic Act 9165 o  ‘The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.’

Ayon naman kay Brig. Gen. Arturo Rojas na ang mabuting ugnayan ng LGUs (Local government Units) at iba pang law enforcement na ahensya katulad ng PDEA at
PNP ay isang ebidensya na epektibo ang paggawa ng operasyon lalo na sa pagsugpo sa mga iligal na gawain.

Dagdag ni Gen.Rojas na ang patuloy na pagkakaisa ay makakatulong sa pagsugpo sa mga maaari pang banta sa lipunan.

“We recognize the unyielding commitment to the mission of our marines and counterparts. Bravo Sulu (well-done)”.

Samantala patuloy paring susuportahan ni Gen. Vinluan ng Westmincom ang pagco-conduct ng law enforcement operations para hadlangan ang paglaganap ng iligal na droga sa Mindanao.

SMNI NEWS