3 Cameroonian scammer, natiklo ng CIDG

3 Cameroonian scammer, natiklo ng CIDG

NAARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG) ang tatlong Cameroonian scammer sa isang hotel sa Makati City.

Kinilala ni PNP-CIDG Director Police Major General Romeo Caramat, Jr. ang mga suspek na sina Jacob Bame, Richard Kigin, alyas Slim Sanka, at Emmanuel Asobo Teyim, alyas Jordan Smith.

Isinagawa ang operasyon matapos ireklamo ang tatlo ng estafa sa isang “double-your-money” scheme.

Nakuha sa kanila ang ilang pekeng Philippine peso, US dollar bill, at samu’t saring kagamitan na pang-imprenta ng pekeng pera.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Art. 315 (estafa), Art. 166 (forging treasury notes), Art. 178 (using fictitious name and concealing true name) at PD 247 ng revised penal code.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble