3 Chinese diplomats, pinatalsik ng Lithuanian government

3 Chinese diplomats, pinatalsik ng Lithuanian government

KINONDENA ng China ang pagpapatalsik ng Lithuania sa kanilang tatlong diplomats.

Ayon sa Chinese Foreign Ministry, maliban sa pagpapatanggal ng diplomats, ipinadeklara na rin ang Chinese diplomats bilang persona non grata kahit walang rason.

Nag-umpisa ang pumapangit nang relasyon ng dalawang bansa noong nasangkot ang isang Chinese ship sa pagputol ng dalawang undersea data cables sa pagitan ng Lithuania at Sweden sa Baltic Sea.

Sa panig ng Lithuania, hinihingi nila ang panig ng China hinggil sa isyu dahil mistulang panghihimasok na sa soberanya at teritoryo nila ang insidente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble